Una sa Balita

2 kalaboso sa illegal logging sa Bataan

By
0 124

KALABOSO ang inabot ng dalawang kalalakihan habang nasa aktong ikinakarga sa kanilang sasakyan ang mga tinistis na malalaking piraso ng iligal na kahoy sa Brgy. Pita, Dinalupihan, Bataan.

Nahaharap sa kaukulang kaso (Presidential Decree No. 75) sina Ramil Indita at Carlos Roca habang nasa kostudiya naman ng pulisya ang nasa 400 board feet na kahoy maging ang jeep (CSS 974) na panghakot sana ng mga suspek.
Ayon sa pulisya, bandang alas-12:00 nang hatinggabi nang nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen kaugnay sa illegal logging activities ng dalawang suspek.

Nang abutan ng pulisya ay wala umanong maipakitang mga kaukulang dokumento sina Indita at Roca sa kanilang mga tinistis na kahoy mula sa puno ng Acacia at dito na sila inaresto.

Inamin naman ng mga suspek na nakatakdang i-deliver ang mga iligal na kahoy sa isang furniture shop sa Betis, Guagua, Pampanga na kilalang pagawaan ng mga crafted wood.