Una sa Balita

2 K-Drama actors agawan kay Heart

By
0 151

Masaya si Heart Evangelista at Alexander Lee sa pagpasok ng isa pang Korean actor na si Andy Ryu sa My Korean Jagiya. Bukod kasi sa professionalism nito, madali rin daw siyang pakisamahan.

Kahit na may alitan ang mga karakter nila sa show, okay na okay sila off-cam at nakakatuwa na parang close na agad sila on set.

On screen naman, tuloy ang banggaan nila bilang Jun Ho at Gong Woo para sa atensyon ni Gia. Ang haba ng hair mo Heart, dalawang oppa ang nag-aagawan sa’yo! Exciting ang mga susunod pang episode kaya hindi talaga namin bibitawan ang My Korean Jagiya.

Ang dami ngang kinikilig sa agawan nina Andy at Alexander kay Heart, ha! Aba, kung dalaga lang si Heart, malamang na isa sa dalawang Koreano na ito ang maging dyowa niya, na parehong sweet sa kanya.

Pero sa totoo lang, feeling dalaga nga si Heart kapag pinag-aagawan na siya ng dalawang oppa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy