Una sa Balita

2 ‘jumper boy’ tiklo sa Maynila

0 342

ARESTADO ng Manila Police District-Police Station 1, ang dalawang miyembro ng tinaguriang ‘­jumper boys’ na kinabibilangan ng isang menor de edad, sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Rowell Acayde 21, residente ng Caring Street, at 13-anyos na ­tinago sa pangalang ‘Toni’, na pawang sangkot umano sa pagnanakaw sa mga truck.

Nabatid kay PCapt. Erickson Evangelista, ­alas-otso ng umaga kahapon nang maaresto ang mga suspek sa may panulukan ng R10 at Herbosa Street.

Sinabi ni PLt. Colonel Christoper Navida, station commander ng MPD-PS1, nag-viral sa social media ang isinagawang pagnanakaw ng mga suspek na naging dahilan kaya sila naalarma.

Isang concern citizen ang nakapagbigay ­impormasyon kina Navida na ang mga suspek ay gumagala sa pinangyarihang lugar, dahilan para atasan ang kanyang mga tauhan para puntahan ang lugar.

Nasakote ang dalawang suspek nang muling mamataan sa lugar.
Nalaman kay Navida may 13 reklamo na ang ­natanggap ng MPD-PS1 laban lay Acayde.

Sasampahan ng kasong theft ang suspek habang dinala sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development ang nahuling menor de edad. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More