Una sa Balita

2 jail guard, driver tinodas ng tandem

0 320

Patay ang dalawang jail guard at isang tricycle drayber matapos silang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo Martes nang hapon sa bayan ng Villaba, Leyte.

Dead on-the-spot ang mga biktimang sina Leo Gonzales at Genesis Piamonte, pawang jail guard ng Palompon Sub-Provincial Jail habang naisugod pa sa ospital ang driver na si Jay-R Escoton subalit hindi na umabot nang buhay.

Sa ulat ng Villaba Municipal Police Station, naganap ang insidente dakong alas-4:30 nang hapon sa kahabaan ng Brgy. Tagbubunga.

Lulan ng tricycle na minamaneho ni Escoton sina Gonzales at Piamonte, gayundin ang limang preso na galing sa hearing at pabalik na sana sa kulungan nang tambangan sila ng mga suspek.

Maliban sa mga biktima, hindi ginalaw ng mga suspek ang limang preso na mabilis ding naibalik sa kulungan.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa motibo ng nasabing pamamaslang sa mga biktima. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy