Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 iskul sa Pangasinan tigil-klase sa virus

0 12

MATAPOS ang Dagupan City, dalawa pang municipal government ng Pangasinan ang pinagpaliban ang pagbubukas ng klase para mapigilan ang pagdami ng coronavirus disease-19 (COVID-19).

Ayon sa Pangasinan Provincial Government (PPG) ang mga ito ay ang Binalonan at Villasis.

Sa Binalonan, nagbaba ng executive order na nagsasaad na ipagliban ang pagbubukas ng klase sa October 4 na dapat kahapon (September 13) ang pormal na school opening.

Sinabi ni Guico na kailangan nilang kanselahin ang opening of classes para mabawasan ang peligro laban sa virus.

Samantala, nagbaba rin ng kautusan si Villasis Mayor Nonato Abrenica na ipagpaliban din ang pagbubukas ng klase sa October 4 dahil sa health crisis. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.