Una sa Balita

2 Intsik na wanted sa ‘Beijing’ arestado sa Binondo

0 161

DINAMPOT ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Chinese fugitives sa Binondo, Maynila na wanted ng mga awtoridad sa Beijing dahil sa pagkakasangkot sa mga krimen.

Kinilala ang mga naaresto na sina Fu Hanzhou, 42-anyos, lalaki, at Huang Meizhen, 37, babae, na nahuli noong Oktubre 4 sa Legarda St., Binondo, Maynila ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit (FSU)
ng BI.

Ang dalawang dayuhan ay kasalukuyang nakakulong sa BI Detention Faci­lity sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang pagpapatupad ng kanilang deportasyon.

“Upon deportation, they will be placed in our blacklist to ensure these fugitives wont be able to return to the Philippines,” ayon pa sa BI. (Mina Aquino)

Sa paunang ulat, sina Fu at Huwang ay nahuli isang linggo pagkatapos damputin ang isa nilang kasama na isang 36-anyos na si Lian Liong, na nahuli sa kanyang tinutuluyang hotel sa Binondo.

Nabatid na ang tatlong Tsino ay nakipagsabuwatan umano sa dalawa pang mga suspek na kasalukuyang pinaghahanap ng FSU ng bureau dahil sa credit card fraud scheme na bumibiktima ng marami nilang kababayan.

Gayundin, limang Chinese nationals ay mayroon nang summary deportation order mula sa BI Board of Commissioners sa kahilingan na rin ng Ministry of Public Security ng China.