Una sa Balita

2 Indian national arestado sa holdap

0 328

NADAKIP na ng mga pulis ang ­dalawang Indian national na ­nangholdap sa ­kanilang mga kababayan, habang ­nakatakas ang dalawang iba sa isang follow-up operation sa Caloocan City kamakalawa.

Kinilala ni P/Col. Noel Flores, hepe ng Caloocan Police, ang mga ­nadakip na suspek sina Harjot Singh, 21 at Guanwinder Singh, 21,habang ­tinutugis pa ang nakatakas nilang kasamahan.

Ayon sa biktimang si Manjot Singh, 27 ng North Pork, Subdivision, Fairview, Quezon City, binabaybay niya sakay ng motorsiklo ang kahabaan ng ­Zabarte Road, Barangay 175, Caloocan City, bandang alas-dos nang hapon nang ­harangin ng apat niyang kababayan na sakay din ng dalawang ­motorsikolo at tinutukan ito ng steel baton saka ­nagpahayag ng holdap.

Sa takot ng biktima napilitan siyang ibigay ang dala nitong P20K.

Kaagad na nagtungo sa Caloocan Police ng North Extension Office si Manjot at isinuplong ang apat.

Sa follow-up operation ay dalawa sa mga suspek na nahaharap sa sa two counts of roberry holdup. ­

(Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy