Una sa Balita

2 huwes kinastigo ng SC

By
0 78

Dalawang huwes sa Malabon City regio­nal trial court ang kinastigo ng Supreme Court dahil sa kwestiyonableng pag-i-isyu ng mga search warrant.

Suspendido at walang sweldo sa loob ng dala­wang taon si Judge Zaldy Docena ng Malabon City Regional Trial Court Branch 170 sa kasong gross neglect of duty samantalang pinagmulta naman ng P20,000 si Judge Celso Magsino Jr., ng RTC Branch 74 dahil sa simple misconduct nang magpatupad ito ng sarili niyang pa­nuntunan sa pag-raffle sa mga search warrant.

Nagsagawa ng spot audit ang Office of the Court Administrator (OCA) matapos silang dagsain ng mga reklamo laban sa umano’y iregularidad ng dalawang huwes sa pagpapalabas ng search warrant.

Gayunman, kinontra ng Korte Suprema ang sinabi ng OCA na nilabag ng dalawa ang Rule 126 ng Rules of Court dahil sa pag-iisyu ng search warrant sa labas ng kanilang territorial jurisdiction.

“The judges “simply exercised the trial court’s ancillary jurisdiction over a special criminal process when they took cognizance of the applications and issued said search warrants,” bahagi ng desisyon ng SC.

Gayunman, nanindigan ang High Court na dapat parusahan si Docena at anim niyang empleyado dahil bigo silang sundin ang ipinag-uutos ng Rules 3.08 at 3.09 ng Code of Judicial Conduct tulad ng kawalan ng minutes of proceedings sa case record, maling petsa sa search warrants at pagbibigay ng kopya nito sa mga testigo sa halip na aplikante at kawalan ng log book para sa aplikasyon sa search warrant.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy