Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 HS graduate natigok sa blowout

0 358

NAWALAN ng saysay ang pagtatapos sa high school ng dalawang binata nang mauwi sa trahediya ang selebrasyon sana nila matapos maligo at nalunod sa Tanza, Cavite Linggo ng hapon.

Isinugod pa sa JNRAL Hospital sina Christopher Anico, 18, ng Salinas 1, Bacoor City, Cavite at Glenn Lares, nasa 23-anyos, ng Imus City Cavite subalit namatay habang ginagamot.

Sa ulat ni Pat John Paul Cruz ng Tanza Police Station, alas-2:00 kamakalawa ng hapon nang nagkayayaan ang mga biktima at labin-pito na iba pa na i-celebrate ang kanilang pagtatapos sa High School sa Villa Excellance Resort sa Barangay Sahud Ulan, Tanza, Cavite.

Nagdala ang mga ito ng maiinom na alak at nagkasiyahan hanggang sa naligo sa dagat.

Pero habang naliligo, inabutan umano ang mga ito ng high tide. Nag-panic ang grupo at nag-unahang makarating sa pampang subalit ang dalawa ay naiwan hanggang sa nalunod at tuluyang nawalan ng malay. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.