Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 hotel worker sinoli P1M naiwan ng guest

0 104

Kahit pa mahirap ang buhay sa ngayon sanhi ng COVID-19 pandemic, hindi nasilaw sa pera ang dalawang empleyado ng isang sikat na hotel, matapos nilang isoli ang P1 milyong cash na naiwan ng kanilang mga guest.

Ayon kay Mhar De Jesus, Sector Manager ng kompanya, nag-check in umano ang dalawa nilang guest noong Lunes.

Makalipas ang ilang oras, lumabas na ang kanilang guest, kaya naman kagaya ng special operational procedure, pumasok na sa loob ng silid ang mga kawani na sina Veronica Briva, 33, at Reynaldo Ocana, 19 , para maglinis at mag-disinfect.

Napansin ng dalawa ang isang black bag na nakapatong sa lamesa at nang buksan ito ay tumambad ang bundle-bundle na pera na puro P1,000 bill ang laman.

“Nagulat po kami kasi sa totoo lang ngayon lang kami nakakita ng ganoong karaming pera,” sabi ng kawani.

Dali-dali nilang ipinagbigay-alam sa kanilang branch manager na si Gilber De Guzman ang kanilang nakita, kaya tumawag naman ang huli sa dalawa nilang guest na naka-iwan ng pera at isinoli ito nang walang bawas.

“Kung iba-iba ‘yung nakakita tiyak pinagpartehan na ‘yung pera. Ipinagmamalaki po namin sina Briva at Ocana at sana’y pamarisan sila ng iba sa kanilang ipinakitang katapatan,” ani De Jesus. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.