Una sa Balita

2 holdaper ng gas station todas sa Laguna

By
0 1,480

Dead-on-the-spot ang dalawang armadong holdaper makaraang maka-engkuwentro ng mga pulis sa Bypass Road, Barangay Bucal, Calamba City, Laguna kahapon ng madaling-araw.

Batay sa inisyal na im­bestigasyon ng Calamba City police, bandang alas-2:26 ng madaling-araw nang makatanggap sila ng tawag mula sa may-ari ng isang gasolinahan hinggil sa pagnanakaw sa Shell gas station sa Barangay Bacnotan.

Agad nagkasa ng follow-up operation ang mga pulis, kung saan naabutan nila sa Barangay Bukal ang dala­wang suspek na lulan ng isang motorsiklo.

Ayon kay Calamba police chief Supt. Reynaldo Maclang, nagkahabulan ang mga pulis at mga suspek at nang maabutan ang mga ito sa bypass road ay nagpaputok umano ang mga suspek dahilan para gumanti ng putok ang mga operatiba.

Agad na binawian ng buhay ang mga suspek bunsod ng mga tama ng bala sa katawan.

Narekober sa mga ito ang isang kalibre. 45 baril at isang improvised shotgun.

Positibo namang nakilala ng naging biktima ang mga napatay bilang mga suspek na nasa likod ng pagnanakaw sa gasolinahan.