Una sa Balita

2 holdaper ng call center agent timbog

By
0 858

Kulungan ang bagsak ng dalawang holdaper matapos pagnakawan ang isang call center agent habang papauwi ang huli kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.

Nahaharap sa kasong ­robbery sina Michael Mendietta y Santos, 26-anyos, residente ng 15 A Industriya Street, Kapasigan, Pasig City at Rigor Herrera y Osorman, 54-anyos, ng 49 D. Sunflower Street, Barangay Kapasigan, Pasig City.

Batay sa report, papauwi na bandang alas-3:30 kahapon ng madaling-araw ang call center agent na si Carlito Obero Jr. y Aragon, 23-anyos, residente ng Unit 5, Lot 11, Country Side Ave­nue, Barangay Sta. Lucia, Pasig City nang harangin ng dalawang suspek at tutukan ng patalim sabay kuha ng bag na naglalaman ng personal na gamit nito.

Mabilis na tumakas ang mga suspek at agad na nagsumbong sa pulisya ang biktima na kagyat namang nagresponde at naha­nap ang mga salarin sa isinagawang follow-up investigation.

Narekober ang mga gamit ng biktima na nagkakahalaga ng P7,100.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Pasig detention cell habang inihahanda ang kaso laban sa kanila.