Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 gusali ng iskul binuksan sa mga na-virus

0 238

NAKATAKDANG buksan sa susunod na linggo ang binuong isolation facility ng Philippine Red Cross (PRC) at ng Tuguegarao City local government unit (LGU).

Ayon kay Tuguegarao City Mayor Atty. Jefferson Santiago, sinabi ni PRC Cagayan chapter chairman Atty. Mila Lauigan, bahagi ito ng inisyatibo ng PRC na matigil na ang home quarantine na lalong pinagmumulan ng COVID-19 transmission.

Sa ilalim ng partnership ng PRC at Tuguegarao LGU, sinabi ni Santiago na ang dalawang gusali ng Carig Elementary School ay ginawang isolation facility, na may 100 bed capacity para sa mga asymptomatic at mild symptoms patient ng COVID-19 sa nasabing lungsod.

Ayon naman kay Lauigan, kumpleto rin ito sa medical beds, oxygen tank, emergency supplies, electric fan at iba pa habang sasagutin naman ng LGU ang manpower o magbabantay sa naturang pasilidad.

Sinabi ni Lauigan na kulang pa rin ang isolation facility sa lungsod dahil sa mahigit isang libong aktibong kaso nito kung kaya nanawagan ito ng pagtutulungan.

Naintindihan rin ng kalihim ang LGU sa hindi pagtuloy sa pagset-up ng barangay isolation dahil sa kakulangan ng trained personnel na magbabantay dito na makakatulong sana upang mapalawak pa ang bed capacity sa lungsod. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.