Una sa Balita

2 gun dealer tiklo

0 234

LAGLAG sa entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group-Cagayan (CIDG-Cag) ang dala­wang lalaki dahil ­umano sa gun running o sa pagbebenta ng baril na walang kaukulang lisensiya sa Tuguegarao City noong Lunes.

Kinilala ni CIDG-Cag officer P/Lt. Col. Romeo dela Trinidad ang mga suspek na sina ­Rodelito Collado, 47-anyos, at Wilson Abengania, 39-anyos, kapwa taga Lupao, Nueva Ecija.

Ayon kay Dela Trinidad, nakatanggap ng intelligence ­information hinggil sa iligal na ­aktibidad ng dalawa.

Dahil rito, nagpanggap na buyer ang ilang miyembro ng kapulisan at nang tanungin kung lisensyado ang mga baril ay wala umanong maipakita ang dalawa kaya hinuli ang mga ito.

Nakuha sa operasyon sa dalawang suspek ang isang calibre .45 ­pistol at .9mm pistol na na ­ibinebenta sa halagang P30,000.

Kasong illegal possession of firearm and ammunition ang sinampa laban sa mga suspek. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More