Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 Grab driver na raket droga, tiklo

0 38

Bagsak sa kulungan ang dalawang Grab driver na rumaraket din sa pagtutulak ng droga sa Valenzuela City.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek na sina Richard Nicolas, 42, at Jeffrey Fermin, 38, pawang taga-Quezon City.

Higit isang linggo umanong sinubaybayan ng mga awtoridad ang transaksyon ng mga suspek, nang magpositibo ang kanilang impormas­yon dito na sila nagkasa ng buy-bust laban sa mga ito, sa isang tulay na nag-uugnay sa Brgy. Ugong at Gen. T. De Leon.

Dumating ang mga suspek sakay ng Toyota Vios alas-12:10 ng hatinggabi kamakalawa at lumapit na ang pulis na poseur buyer at iniabot ang P1,000 kapalit ng shabu.

Makaraan ang abutan, doon na sila dinamba ng ibang mga nakasibilyang pulis.

Narekober sa mga suspek ang buy-bust money at 40 gramo ng shabu na may market value na P272,000. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.