Una sa Balita

2 ginang huli sa 6.5M shabu

By
Photo by Jonas Sulit
0 347

DINAMBA ng mga ope­ratiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang dalawang misis, kungsaan aabot sa mahigit P6.5 halaga ng shabu ang nasamsam sa kanila sa ikinasang buy-bust operation sa Tondo. Manila, kahapon nang umaga.

Sa report kay Norther Police District (NPD) Director Gregorio N. Lim, kinilala ang mga inares­tong suspek na sina Gerlie Lopez, 38, at Leah Carpio, 34, mga resi­dente ng No. 1042 Interior 2, New Antipolo St., Brgy. 217 Tondo, Manila.

Nag-ugat ang pagka­kaaresto sa dalawang pusher nang may madakip ang DDEU na tulak sa Caloocan City, nitong nakaraang araw matapos silang ituro.

Matapos ang validation, ikinasa ng mga pulis ang buy-bust ope­ration at tinarget ang bahay ni Lopez, dakong alas-dos nang madaling-araw.

Sina P02 Anthony Marquez at P02 Kenneth Geronimo ang nagsilbing poseur buyer para umiskor ng P5,000 halaga ng shabu sa mga suspek.

Matapos iabot nina Carpio at Lopez ang droga, dito na sila dinamba ng mga pulis.

Nakumpiska sa mga suspek ang 19 na plastic sachet na may lamang shabu na aabot sa 950 gramo at may market value na mahigit P6.5 milyon.

Kinasuhan na ng Sec 5 in Relation to Sec 26, Sec 11 Art 11 of RA 9165. Orlan Linde