Una sa Balita

2 galamay ng bolt cutter gang huli sa Baguio

0 287

TIMBOG ang dalawang lalaki na miyembro ng ‘Beligen acetylene-bolt cutter gang’ sa loob ng Maharlika Livelihood Complex sa Baguio City noong Biyernes.

Kinilala ng Baguio­ City Police Office (BCPO) ang mga suspek na sina Allyson Aligan, 25, at Ambrose Rex Layao, 29, parehong mga binata, mga tubong Patiacan, Quirino, Ilocos Sur at naninirahan ngayon sa Middle Quirino Hill, Baguio­ City.

Ayon sa BCPO, nahuli ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Romeo Buenaventura ng Fourth Judicial Region, Regional Trial Court (RTC) Branch 59, Lucena City.

Sinabi ng BCPO, kasong robbery ang kinakaharap ngayon ng mga suspek na may piyansang P200,000 bawat isa.

Base sa ulat ng pulis, ngayon lamang na-monitor sina Aligan at Layao na mga kasapi ng bolt-cutter gang, acetylene at termite gang na may operas­yon sa buong bansa. ­(Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy