Una sa Balita

2 floating school bus sa student

By
0 48

Malaking biyaya sa mga estudyante sa munisipalidad ng Paombong at Hagonoy, Bulacan ang ipinagkaloob na dalawang bangkang-de-motor ng sangay ng Land Bank of the Philippines (LBP) na tinawag nilang floating school bus upang maging mabilis at komportable ang pagpasok ng mga mag-aaral sa nasabing coastal town.

Ipinagkaloob ni Paulino Tiongson, branch manager ng LBP-Mac-Arthur Highway, Malolos City ang dalawang bangkang de-motor sa Tibagin National High School sa Barangay Tibagin, Hagonoy at pamahalaang-barangay ng Barangay Masukol, Paombong upang magamit ito ng mga estudyante sa nasabing mga lugar.

Nabatid na kayang magsakay ng 20 estudyante ang bawat bangkang-de-motor na ginugulan ng P65,000 bawat isa ng LBP-Malolos City branch bilang bahagi ng kanilang adbokasiyang makatulong sa mahihirap na estudyante sa coastal town ng Hagonoy at Paombong na sumasakay pa ng bangka para makapasok sa school.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy