Una sa Balita

2 fixer ng Manila City Hall kalaboso

0 337

BINITBIT ng pulisya, Special Ma­yor’s Reaction Team (SMaRT) at ng Manila Civil Registry Office (MCRO) ang dalawang fixer sa Manila City Hall (MCH) nang tangkain ng mga ito na singilin ng P5,000 ang mag-asawa na nagproseso ng late birth certificate ng kanilang anak kamakalawa.

Kinilala ni SMART chief PMajor Rosalino Ibay ang mga suspek na sina Rosalinda Lagatierra, 60-an­yos, at Catherine Corpuz, 42, na inaresto sa loob ng city hall pasado alas-tres nang hapon.

Ayon kay MCRO chief Atty. Chris Tenorio, sumisingil lamang ang lokal na pamahalaan ng halahang P240 para sa late registration.

Naaresto ang dalawang suspek sa isinagawang entrapment ope­ration ng SMART at MCRO matapos na magreklamo ang biktimang si Quirico Corpuz sa MPD-SMaRT.

Nagbabala ang MCPO chief sa mga fixer na patuloy na nag-o-o­perate sa loob ng MCH na ihinto na ang kanilang mga iligal na gawain.

“Tumigil na kayo. Ang mandato ng ating Punong Lungsod ay itigil ang lahat ng iligal na transaksyon sa Manila City Hall,” ayon kay Atty. Tenorio.

Sinampahan ng kasong robbery extortion ang dalawang suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy