Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 Fil-Am iskolar ng bigating kompanya sa Las Vegas

0 39

Dalawang Filipino-American student sa Southern Nevada sa Amerika ang tatanggap ng APIA scholarship mula sa isang fast food giant.

Aabot sa 55 katao ang tumanggap ng $500,000 (P25.3 milyon) sa scho­larships ng McDonald’s. Nasa 67% sa kanila ay galing sa mga pamilya na labis na nangangaila­ngan habang ang iba ay may personal na kuwento na nagbibigay inspirasyon kung saan kahit nahihirapan ay patuloy ang kanilang laban para sa edukasyon.

Ang isa sa kanila ay kinilalang si Daisy P., 19 taong gulang na Fil-Am student mula sa Las Vegas.

Sa isang ulat, sinabing dati siyang homeless at naging survivor din ng domestic violence. Natulungan siyang ituloy ang kanyang pag-aaral sa kursong nursing.

Ang pangalawa naman na Fil-Am recipient ay si John Gabriel Espinas Flora, na ang kurso ay Public Health sa University of Nevada, Las Vegas.

Kuwento niya, 16 taong gulang pa lang siya ay gusto na niya na matulu­ngan ang pamilya kaya nang makakuha ng pagkakataon ay nagtrabaho siya sa US.

Nagsimula siyang mag-aral sa kolehiyo noong Agosto 2020.

Hindi aniya madali ang mag-isa lalo na ang mga magulang niya ay nasa Saipan. Ang nanay niya ay isang beautician, at ang kanyang ama ay isang security guard. Hindi naman sinabi kung sino sa dalawa ang Pinoy. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.