Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 ex-VP sasabak na senador; Cayetano, Trillanes laban din

0 111

Pormal na ang kandidatura ni dating Bise Presidente Jejomar Binay bilang senador sa 2022 elections matapos maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) kahapon.

Si Binay ay umanib sa tandem nina Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson at Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III.

Ang isa pang dating VP na si Noli ‘Kabayan’ de Castro ay sasabak din sa Senado sa ilalim naman ng Partido Aksyon Demokratiko nina Manila Mayor Isko Moreno at Doc Willie Ong.

Dalawa pang dating senador ang nagbabalak ding bumalik ng Senado ito ay sina dating House Speaker Alan Peter Cayetano na naghain na kahapon ng COC.

Si dating Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes naman ay nakahanda ring maghain ng COC matapos kumpirmahin ni Vice President Leni Robredo ang pagtakbong pangulo sa 2022. (Billy Begas/Eralyn Prado/Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.