Una sa Balita

2 EX-PRESIDENT VS ARROYO

By
0 215

Kinampihan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos si dating Pangulong Noynoy Aquino sa banat ng dati ring Pangulo ng bansa at ngayo’y Pampanga Congresswoman na si Gloria Macapagal-Arroyo, sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).

Diretsahang sinabi ni FVR na tama ang naging pasya at diskarteng ginawa ng Aquino administration  na maghain ng reklamo sa arbitral tribunal para kondenahin ang pananakop at pambu-‘bully’ ng China sa Pilipinas.

Naniniwala si Ramos na ito ang tamang paraan para harapin ang isang territorial dispute upang mapigilan ang anumang komprontasyon at ilagay sa tama ang pag-angkin sa isang teritoryo lalo na ang WPS na pinag-iinteresan din ng maraming bansa sa Asya.

Hindi nagustuhan ni FVR ang paninisi ni Arroyo kay Aquino sa paglala ng problema ng Pilipinas at China dahil sa territorial dispute o agawan ng teritoryo sa WPS.

Ganito rin ang pananaw ng ilang mambabatas sa away ng Pilipinas at China.

Ayon kay Akbayan party-list Rep. Tom Villarin, kung mayroong dapat sisihin sa pagtatayo ng China ng pasilidad sa loob ng 200 nautical miles ng Pilipinas sa WPS ay walang iba kundi si Arroyo dahil nilagdaan nito ang  Joint Marine Seismic Undertaking (JMSU) sa China noong 2004.

Dahil dito, nagkaroon aniya ng pagkakataon ang China at Vietnam na mag-explore, hindi lamang ang mga islang okupado ng Pilipinas kundi sa iba pang reefs na nasa loob ng teritoryo ng bansa.

Ginawa umano ito ni Arroyo kapalit ng maanomalyang deal sa North Rail at national broadband network o ZTE deal.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More