Una sa Balita

2 ex-officer ng PCMC kasuhan sa Dengvaxia — PAO

0 230

IGNIIT ng Public Attorney’s Office (PAO) sa Quezon City Regional Trial Court na kasuhan din ang 2 ex-official ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) hinggil sa 13-anyos na batang namatay dahil naturukan ng Dengvaxia vaccine.

Sa reklamo na inamyendahan, ini­hayag ni Ariel at Ruby Hedia, magulang ng Dengvaxia victim na si Abbie, dapat anilang papanagutin ang dalawang dating opisyal ng PCMC.

Aniya, hindi sila ligtas sa kinasangkutang kasong multi-bilyong pisong Dengvaxia laban sa mga executive ng French pharmaceutical na Sanofi Pasteur Inc. at ang distributor na Zuellig Pharma Corp.; pati si ex-Health Secretary Janette Garin; Health Secretary Francisco Duque III; at ibang opisyal ng Department of Health.

Dapat anilang managot ang mga dating PCMC official bilang mga signatories sa pagbili ng P3 bil­yong Dengvaxia vaccine.

Nabatid sa PAO, bumili ang DoH ng Dengvaxia vaccine ng P3 bilyon lamang at hindi P3.5 bilyon sa naunang ulat.

Magugunitang noong 2017 audit report, pinuna ng COA ang DOH sa non-disbursement ng pondo ng anti-dengue program na nagkakahalaga ng P556.115 milyon.

Habang noong Nob. 29, 2017, nagpalabas ang Sanofi ng advisory ng update information, “for those not previously infected by dengue virus, however, the analysis found that in the longer term, more cases of severe di­sease could occur following vaccination upon a subsequent dengue infection.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy