Una sa Balita

2 estudyante na nag-shopping ng libre, dinakma

By
0 619

MISTULANG nag-shopping ng libre ang dalawang estudyante ng halagang mahigit sa P11,000 na tinangka nilang ipuslit sa isang department store sa Cavite.

Hawak ngayon ng Dasmariñas City Bahay Kalinga ang mga estudyantengsina alias ‘Kay’ at ‘Wako’ na kapwa residente ng Cosa Verde Subdivision, Rosario, Cavite dahil sa reklamo ni Romeo Archivido, 50, civilian security guard ng SM Dasmariñas City branch. Sa report ni PO2 Christopher Postrero ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-8:20 nang gabi nang pumasok ang dalawang menor-de-edad sa nasabing department store at nagkunwaring mga customer.

Dala ang kanilang backpack, mistulang nag-shopping ang dalawa at inilagay sa kanilang bag ang mga polo, t-shirts, medyas, kuwintas, bracelet, Iphone cable, earphone with microphone, jogger at jacket na umabot sa halagang P11,345.
Ligid sa kanilang kaalaman na minamanmanan na sila ng isang civilian guard at nang-tinangka nilang ilabas ay inaresto sila ng guwardiya.