Una sa Balita

2 estudyante, 2 pa tigok sa pamamaril sa Laguna

By
0 8

Apat ang patay samantalang isa pa ang kritikal sa pamamaril sa Biñan City Laguna pasado ala-una ng madaling-araw kahapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Arnel Barce, 17-anyos, Darwin Villareal, 18, kapwa estudyante; Rico Laserna, 32, service crew at Mark Robin Ignacio, 27.

Batay sa imbestigasyon ng Biñan Police, ang lima na matalik na magkakaibigan ay nakatambay sa harap ng Canlalay Elementary School sa loob ng Maribel Subdivision nang dumating ang hindi bababa sa apat na armadong suspek.

Isa-isang pinagbabaril ng mga ito ang mga biktima ng malapitan.

Naitakbo pa sa ospital ang mga biktima subalit idineklarang dead on arrival ang apat samantalang nasa kritikal pang kondisyon si Ranel Barce, 18-anyos na estudyante.

Ayon sa pulisya wala pang malinaw na motibo sa krimen pero tatlo umano sa mga biktima ay kilalang nanghaharas ng mga dumaraan sa lugar lalo na sa gabi at kung may kinalaman din ang illegal drugs.