Una sa Balita

2 employer ‘di nag-remit ng P9.4M SSS contribution inaresto

0 313

INARESTO ng Social Security­ System (SSS) at ng pulis-Maynila ang ­dalawang delingkuwenteng employer­ na hindi nag-remit ng mga kontribusyon para sa kanilang mga manggagawa na uma­bot ng P9.4 milyon.

Nabatid sa SSS na patuloy ang crackdown nito sa mga delingkuwenteng mga employer at matagumpay nitong naaresto sa tulong ng mga pulis, sina Florida Jose ng Falcon Maritime & Allied Services, Inc. at Ana Marie Celestia Vasquez ng Applebee, Inc. dahil sa paglabag ng Republic Act 1161 o ang tinatawag na Social Security Law.

Ayon sa SSS, P7.92 mil­yon ang hindi binayaran ni Jose para sa kanyang mga empleyado, kasama na rito ang mga multa nitong Setyembre 13, 2019.

Umaabot naman sa P1.5 milyon ang hindi ini-remit sa SSS ni Vazquez, kasama ang mga multa.

Sabi ni SSS president­ and CEO Aurora Ignacio,­ pananagutin ng SSS ang mga employer sa kanilang mga obligasyon sa kanilang mga tauhan.

Ayon sa SSS, 15 delinquent employer ang kanilang naaresto sa tulong ng Philippine National Police at tatlo sa mga kaso ang dinidinig na sa korte.

May mga ibang nakipag-areglo na at ang iba naman ay sumali sa katatapos lang na Contribution Penalty Condonation Program. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy