Una sa Balita

2 empleyado ng UPLB prof itinumba ng tandem

By
0 2,146

Patay ang dalawang babaeng empleyada ng isang college professor matapos na ang mga ito ay tambangan ng mga hindi nakilalang riding-in tandem sa Sitio Libis, Ramos Subd., Brgy. Lalakay Los Baños, Laguna kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Crispina Mendoza y Umayam, 55 anyos, isang bookeeper at Wilma Aguinaldo y Torlao, 60 anyos, secretary, kapwa residente ng Barangay Brgy. Bañadero Calamba City at empleyado ng isang UPLB professor.

Batay sa imbestigasyon ng Los Baños police, bandang alas-5:15 ng hapon, sakay ang mga biktima ng kotseng Toyota Corolla (WDV-384) at patungo sa direksyon ng National Road Brgy. Lalakay, Los Baños, nang sabayan ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo at pagbabarilin.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen at kung sino ang mga suspek. (Ronilo Dagos)