Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 empleyado ginawang family driver ng Senate exec

0 232

NAKAKADISMAYA itong isang opisyal ng Senado na tila inaabuso ang kanyang posisyon sa naturang institusyon.

Mantakin mo ba namang ginagawa niyang family driver ang dalawang empleyado na nakatalaga sa motorpool ng Senado.

Ayon kay Mang Teban, wala raw kasing personal driver ang opisyal na ito kaya kapag tinatamad itong mag-drive, inuutusan nito ang kanyang staff na kumuha ng driver sa motorpool at ipag-drive siya kapag may meeting ito sa labas ng Senado.

Minsan naman daw ay inuutusan din nito ang motorpool driver na sunduin ang kanyang pamilya sa mall at ihahatid patungo sa kanilang bahay o ‘di kaya’y sa kanyang tanggapan. Sino siya?

Clue: Ang abusadong opisyal na ito ay binasagang diktador ng kanyang mga staff. May letrang S sa kanyang apelyido, as in Sugapa sa werpa.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.