Una sa Balita

2 electrical engineer nangisay sa poste, utas

0 389

TODAS ang dalawang inhinyero na nagtratrabaho sa isang private cable corporation matapos silang makuryente habang nagsasagawa ng wiring sa poste sa Barangay Ambabaay, Bani, Pangasinan noong Lunes.

Kinilala ang mga biktima na sina Maico Maquilang at Wilbert Andres, pawang mga electrical engineer, nagtatrabaho sa isang private cable corporation na na-assign sa nasabing bayan.

Gumagawa ng cable wiring sa isang poste ang dalawa nang aksidenteng nata­big ng isa sa kanila ang live wire ng Pangasinan Electric Company (Panelco).

Ayon sa isang saksi na si Lovie Ma­ngaoang, nakarinig siya ng pagsabog at biglang nag-brownout.

Samantala, ayon kay Panelco 1 Gene­ral Manager Dionisio Opolento, naiwasan sana ang insidente kung nakipag-ugnayan muna ang pribadong kompanya ng cable wire bago nagsagawa ng kanilang trabaho. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy