Una sa Balita

2 drug pusher nanlaban sa pulis natodas

By
0 3,539

Patay ang dalawang drug pusher matapos manlaban sa mga pulis na aaresto sana sa kanila matapos kumagat sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Manggahan, Pasig City, kahapon ng hatinggabi.

Dead-on-the-spot ang pangunahing suspek na si Kimron Fontejon, kilalang drug pusher at kabilang sa drug watch list ng pulisya, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kanyang kasamahan na isa rin sa unang nagpaputok ng baril.

Batay sa report, naganap ang insidente alas-12:10 ng hatinggabi kung saan nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Pasig City Police-Station Drug Enforcement Unit sa kahabaan ng Westbank Road, Floodway, sakop ng Barangay Manggahan.

Abante Hiring – IT dep

Nagpanggap umanong buyer sina PO1 Dionie Bisagre at PO1 Fitz Walter Gullunan at bumili ng shabu sa dalawang suspek.

Pero nang iaabot na ang P1,000 buy-bust money ay nakatunog umano ang mga suspek na pulis ang kanilang katransaksyon kaya bumunot ng baril at pinaputukan ang dalawang bagitong pulis. Agad naman umanong gumanti ng putok ang dalawang bagitong pulis na ikinasawi ng mga suspek.

Narekober mula sa mga suspek ang dalawang baril na caliber .38 Black Widow revolver at caliber .45 Colt pistol at sampung piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Samantala, naaresto naman ng mga tauhan ng Marikina City Police sa isang buy-bust ope­ration ang mga suspek na sina Maribel Manaois, 53; Gladys Agonia, 28; NJ Manaois, 27; at Alvin Caringal, 27; pawang residente ng Block 68, Palay St., Brgy. Tumana.

Sa ulat ni PO2 Mark Vic Veloria, lumilitaw na nakatanggap ng ulat ang mga awtoridad hinggil sa umano’y iligal na aktibidad ng mga suspek kaya’t kaagad na nagsagawa ng buy-bust operation sa kanilang tahanan alas-10:15 ng gabi kamakalawa.

Nahulihan ang mga suspek ng anim na plastic sachet ng shabu at P500 marked money.(Vick Aquino/Edwin Balasa)