Una sa Balita

2 drug personalities patay sa buy-bust

By
0 5

Patay ang dalawang drug personalities matapos ang ikinasang buy bust operation ng mga Philippine National Police sa Jolo Sulu kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Suladar Uraid, 33 anyos, may asawa, residente ng zone 3 brgy. Tulay, Jolo, Sulu at Al-Madin Sansawi, 28 anyos, binata residente ng Brgy Asturias, Jolo, Sulu.

Sa ulat ng PNP Sulu, alas-2:15 ng madaling araw kahapon ikinasa ng mga tauhan ng Jolo Municipal Police Station at PNP Special Action force ang buy bust operation sa Barangay Bus-bus Jolo Sulu.

Aarestuhin na sana ng mga pulis ang dalawa pero nagtangka silang iputok ang kanilang mga armas ngunit naunahan sila ng arresting team dahilan ng kanilang kamatayan.

Narekober ng pulisya sa crime scene ang isang kalibre 45 baril na may dalawang pirasong live ammunition, isang kalibre 38 na may dalawang pirasong live ammunition at buy bust money.