Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 drug den sa Pampanga sinalakay, 11 timbog

0 155

Dalawang drug den ang sinalakay ng mga kawani ng Philippine Drug Enforcement Agency – Region 3 (PDEA-R3) sa Barangay Santa Lucia, San Fernando, Pampanga nitong Biyernes na ikinaaresto ng 11 katao.

Ang unang drug den ay natagpuan sa Purok 2 at sinalakay alas-2:00 ng hapon. Anim katao ang nadakip dito at nakumpiska ang 10 gramo ng shabu.

Kinilala ang suspek na sina Arnel Concepcion, 60-anyos; Donjuan Manalastas, 45; William Nabong, 28; Edilberto Concepcion, 51; Jeffrey Quiambao, 43, at Adonis Cortez, 48.

Sinalakay naman ang isa pang drug den ala-1:40 ng madaling araw nitong Sabado sa Purok 6 kung saan 15 gramo ng shabu ang nasabat sa naarestong sina Roberto Ignacio, 26; Alberto Ignacio Jr., 29; Bernardo Ignacio, 27; Roland Ramos, 43, at Ma. Theresa Mendoza, 40.

Sa taya ng PDEA, nasa P170,000 kabuuang halaga ng shabu ang nakumpiska. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.