Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 dedo sa naiwang kandila

0 79

Dalawa ang napaulat na patay sa nangyaring sunog sa Camella Homes sa Barangay Putatan, Muntinlupa City Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga nasawing sina Maricel Asido, 56, at kaanak na si Zozimo Asido, 73. Nagsimula umano ang apoy alas-6 ng gabi at tumagal hanggang alas-7:17 ng gabi.

Ayon sa mga awtoridad, na-trap umano sa kanilang bahay ang dalawang biktima. Hindi rin umano sila nakaalikas agad dahil paralisado si Zozimo. Patuloy ang imbestigasyon pero tinitingnan na ang diumano’y naiwang kandila sa altar sa loob ng bahay ng mga biktima.

Dalawang bahay pa ang nasunog at tinatayang P1 milyon ang napinsala.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.