Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 dedo sa baha

0 97

Dalawa ang naiulat na nasawi habang isa pa ang nawawala dahil sa pagbaha sa iba’t ibang lugar sa Cebu City bunsod ng walang tigil na pag-ulan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Flavio Gonzaga Detuya, 85, ng Brgy. San Miguel at Leonardo Otto, 48, ng Sitio Tacom, Brgy. Busay, habang pinaghahanap ang 16-anyos na binatilyo na residente ng General Maxilom Avenue.

Base sa ulat ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), alas-10:00 Martes ng gabi nang madiskubre ang bangkay ni Detuva sa loob ng kanilang bahay na binaha dahil sa pag-apaw ng Kamputhaw River. Pasado ala-una ng madaling araw ng madiskubre ng mga residente ang katawan ni Otto na nakalutang sa isang creek. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.