Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 dedo, 535 pa sapol ng Omicron

0 159

Naitala ng Department of Health (DOH) ang 492 bagong Omicron variant na na detect sa bansa.

Nabatid na sa naturang bilang 2 na ang kumpirmadong nasawi sa COVID-19 Omicron variant, tatlo ang aktibo,467 naman ang nakarekober at 29 kaso naman ang bineberipika pa.

Sanhi nito, umabot na sa 535 ang kabuuang bilang ng Omicron variant case na na-detect sa bansa.

Ito ay na-detect sa pinakahuling batch ng genome sequencing na isinagawa nitong Enero 13 at 14.

Sa bagong Omicron variant cases, 332 ang lokal na kaso at 160 ay mga Pinoy galing abroad.

Karamihan o 227 ng mga bagong lokal na kaso ay mula sa Metro Manila, sumunod ang Calabarzon, 76; Central Luzon, 11; Central Visayas, 5; habang tig-2 naman sa Cagayan Valley, Western Visayas, Davao Region, Soccksargen at Cordilleras, at tig-1 sa Ilocos Region, Mimaropa at Bangsa¬moro. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.