Una sa Balita

2 dating tauhan ng Disney, 15 pa huli sa child porno

0 541

SWAK sa kalaboso ang 17 katao, kung saan kabilang ang dalawang dating empleyado ng Disney company dahil sa child pornography sa Polk County, Florida.

Kinilala ang dalawang dating tauhan ng ­Disney na sina Brett Kinney ng Lake Alfred, Florida at ­Donald Durr Jr., mula naman sa Davenport, Florida.

Sa imbestigasyon ng Polk County Sheriff’s ­Office naaresto ang mga suspek matapos maaktuhang ­gumagamit ng malalaswang larawan ng mga paslit.

To the rescue naman ang Disney spokesperson at nilinaw na hindi na konektado sa kanila si ­Kinney samantalang nakabakasyon si Durr sa kompanya nang mangyari ang pag-aresto.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More