Una sa Balita

2 dating opisyal ng DA kinasuhan sa fertilizer scam

By
0 3,438

Sinampahan ng kasong graft ng Office of the Ombudsman ang dalawang dating mataas na opisyal ng Department of Agriculture (DA) sa Region 1 dahil sa pagkakadawit sa maanomalyang P2.9 milyong pagbili ng liqui­d fertilizer.

Nakasaad sa charge sheet, na sina dating regional executive director for Region I Renerio Belarmino, at dating regional technical director Flora Gagni ay nahaharap sa kasong three counts na paglabag sa Section 3(e) of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Bukod sa dalawa, kinasuhan rin ang accountant na si Avelina Soriano, at Bids and Awards Committee (BAC) members na sina Francisco Casil, Lourdes Gonzales, Maribel Cabradilla at Jonathan Bugaoan.

Samantala, pina­ngalanan din bilang private respondents si Central Luzon Farmers Agro Center (CLFAC) proprietor Cristina Pangilinan at may-ari ng BALS Enterprises na si Jonar Balisi.

Pinaboran umano ng mga nabangit na opisyal ng DA si Pangi­linan para makuha ang kontrata na hindi dumadaan sa bidding.