Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 dalagitang magpapasa ng module dinukot

0 56

Pinaniniwalaang dinukot ang dalawang 15-anyos na dalagita na nawawala hanggang sa ngayon sa bayan ng Gattaran, Cagayan, ayon sa Cagayan Provincial Police Office (CPPO).

Kinilala ng CPPO ang mga biktima na sina Josephine Manuel at April Mae Oñate, kapwa estudyante, parehong taga-Barangay Palagao.

Sa inisyal na report ng CPPO, ayon sa nakakatandang kapatid ni Manuel na si Jaymar, noong Biyernes (June 4) nagpaalam umano ang dalawang biktima na dadalhin nila ang kanilang module sa paaralan, subalit hindi na sila nakabalik pa hanggang ngayon.

Ayon sa pulisya, pangamba umano ng mga kaanak ng mga biktima na posibleng dinukot ang dalawa.

SM food to go Banner Ad

May nakakita umano sa mga ito na lulan ng isang motorsiklo na minamaneho ng isang lalaking 20-anyos pataas, kasama ang dalawa pang lalaki na lulan rin ng dalawang motorsiklo sa may bahagi ng Barangay Baracaoit, Gattaran.

Napag-alaman na si Manuel ay nag-aaral na Gattaran National Trade School habang si Oñate ay nasa Calaoagan Dakkel National High School.

Sa ngayon ay patuloy ay paghahanap ng pulisya sa mga biktima na hinihinalang kinidnap. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.