Una sa Balita

2 crash sa 7 buwan: Lionair ginarahe ng CAAP

0 430

Grounded ang lahat ng eroplano at helicopter ng Lionair Inc. matapos magliyab ang papalipad nilang jet sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Linggo ng gabi na ikinamatay ng 8 sakay.

Ito na ang ikalawang pagbagsak ng eroplano ng Lionair sa loob ng pitong buwan kaya nagdesisyon ang Civil Aviation Authority of the Philippines nitong Lunes na huwag munang paliparin ang lahat ng kanilang aircraft habang iniimbestigahan ang insidente noong Linggo.

Ang eroplano, na gimagamit din ng Department of Health sa paghahatid ng medical supplies sa mga lalawigan, ay patungo sana ng Haneda Airport sa Tokyo, Japan para sa medical evacuation flight. Nagliyab ito habang pa-take off kaya natusta ang walong sakay na kinabibilangan ng isang Canadian, isang Amerikano at anim na Pinoy, kabilang na ang dalawang piloto at crew.

Narekober na rin kahapon ang blackbox o cockpit data recorder at kailangan itong ipadala sa abroad para sa decoding upang mahugot ang palitan ng komunikasyon ng mga piloto sa tower sa mga huling sandali bago ito mag-crash.

Noong Setyembre 2019, isang medical evacuation plane ng Lionair ang bumagsak sa Calamba, Laguna kung saan patay ang siyam na sakay nito.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More