Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 construction worker, 1 pa naglako ng droga timbog

0 276

Arestado ng Manila Police District (MPD) ang tatlong dumayo sa lungsod para maglako ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Tondo kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PLt. Col Harry Lorenzo, station commander ng MPD-Police station 7 ang mga suspek na sina Alvin Macadatar, 25; Adam Hanani, 21, pawang mga construction worker; gayundin ang kasama nilang taxi driver na si Jumrin Halid, 48, pawang mga taga-Taguig City.

Alas-6:30 ng gabi nang ikasa ang buy-bust operation sa may Hermosa Street, malapit sa panulukan ng Jose Abad Santos Avenue sa Tondo matapos na makipagtransaksiyon ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Nakasakay ng taxi na puting Toyota Vios at may plakang AA1 -5741 ang mga suspek nang isagawa ang bentahan ng hinihinalang shabu .

Nang magkaabutan ng droga, dito na dinakma ng mga nakaantabay na pulis ang mga suspek kung saan nakumpiska ang may 68 gramo ng shabu na may street value na halagang P455,600.00.

Sinampahan ng kasong paglabag aa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek sa Manila Prosecutors Office. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.