Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 college student timbog sa tindang marijuana

0 128

Kalaboso ang dalawang college student matapos mahulian ng marijuana sa ginawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang mga suspek na sina Vincent Cantos, 21, at John Lloyd de Guzman, 21. Ayon kay Cadelaria Police Station (CPS) commander P/Lt. Col. Arnulfo Selencio, nagsagawa muna ng surveillance operation ang anti-illegal drug unit laban sa mga suspek bago sinagawa ang paghuli sa mga ito.

SM food to go Banner Ad

Matapos ang ginawang operasyon, inaresto sina Cantos at De Guzman nang inabot sa poseur buyer ang umano’y dried marijuana leaves alas-10:30 Sabado ng gabi sa Brgy. Masin.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang mga marijuana na kalagay sa mga plastic na kahon. Nakakulong ngayon sina Cantos at De Guzman sa CPS detention cell at mahaharap sa kasong may kaugnayan sa paglabag sa anti-illegal drug. (Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.