Una sa Balita

2 Chinese nagnenok sa kompanya kalaboso

0 316

KULUNGAN ang bagsak ng dalawang Chinese national makaraang marekober sa kanila ang higit sa P700,000 cash na umano’y ninakaw nila sa kaha ng kanilang pinapasukang kompanya, sa Pasay City kamakalawa.

Kinilala ni Police Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police ang dalawang nadakip na sina Wu Wen, 33, nakatira sa Kroma Tower, Dela Rosa Access Road, Makati City at si Shao Yongtao, 39, nanunuluyan naman sa Monarch Residence, MOA Complex, Pasay­ City.

Dakong alas-6:30 ng gabi nang ipatupad ng mga security personnel ng Alpha Vertex Consultancy Inc. ang ‘citizen arrest’ sa dalawang dayuhan na pawang empleyado ng naturang kompanya.

Bago lumabas ng opisina, kinapkapan ng guwardiya ang dalawang suspek at nakuha kay Wu ang P400,000 habang nasa P356,000 naman ang nasabat kay Shao.
Ayon sa kompanya, may access ang dalawang suspek sa kaha ng kompanya na kanilang sinamantala sa pagtangay ng naturang halaga.

Sa ngayon ay patu­loy na iniimbestiga­han ng pulisya ang insidente habang posibleng mahaharap sa kasong Qualified Theft ang da­lawag suspek. ­(Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More