Una sa Balita

2 carnapper napatay sa Laguna checkpoint

By
0 423

BUMULAGTA ang dalawang umano’y carnapper matapos makasagupa ng mga pulis sa checkpoint sa Sta. Teresita, St. Paci­ta Complex 1B, San Ped­ro City, Laguna kahapon nang madaling-araw.

Batay sa report ng San Pedro police, sakay ng motorsiklo ang mga suspek na nakilala lamang sa mga pangalang Jumbo at Hatch na parehong taga-Canlalay, Biñan City.

Subalit nang dumaan ang mga ito sa checkpoint ng mga tauhan ng San Pedro City police station at Highway Pat­rol Group – PRO4A na noon ay nagsasagawa ng anti-criminality­ ope­ration sa boundary ng Biñan at San Pedro dakong ala-una nang mdaling-araw ay lumagpas ang dalawa at hindi pinansin ang pumaparang mga awtoridad.

Abante Hiring – IT dep

Nagbunot pa ng baril ang mga ito at pinaputukan ang mga pulis saka mabilis na humarurot papalayo hanggang sa masukol at dito na nabaril ng mga pulis na nagresulta sa agarang pagkamatay ng mga ito.

Bukod sa pagiging carnapper ay sangkot din ang mga suspek sa kaso ng akyat-bahay, robbery at theft sa ­unang distrito ng Laguna.