Una sa Balita

2 Caloocan public hospital may modernong medical equipment

0 174

Bagaman tapos na ang pagdiriwang sa pagsalubong ng Bagong Taon, nananatili pa rin naka-antabay ang pamunuan ng Caloocan City Medical Center (CCMC) at Caloocan City Medical Center North (CCMCN), sakaling may isugod na mga naging biktima ng paputok.

Nagpakalat si Mayor Oscar Malapitan, ng mga staff sa emergency room, surgeons, internist at orthopedic surgeons na mag-aasikaso sakaling may pasyen­te pa na biktima ng mga fire cracker at stray bullet mula sa una at ikalawang distrito ng lungsod.

Ang dalawang nasabing public hospital sa Caloocan City ay inayos at nilag­yan ng modernong medical equipment, mga gamot at mahuhusay na doktor sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Malapitan.

“We are hoping that there will be minimal cases­ this year but rest assured that we are fully equipped to assist those who are in need of medical attention,” sabi ng alkalde.

Kaugnay nito, pinapurihan ni Mayor Malapitan ang Caloocan Police, dahil bumaba ang porsiyento ng mga naputukan sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Maging sa mga kaso ng indiscriminate firing na kinabibilangan ng mga pulis at sibilyan, walang naitala sa Caloocan City.

Noong mga nagdang pagsalubong ng New Year, nasawi ang batang si Nicole, matapos tamaan ng ligaw na bala sa ulo. (Orlan Linde)