Una sa Balita

2 bulagta sa inuman sa Ilocos Norte

By
0 398

PATAY ang dalawang lalaking mangangaso matapos aksidenteng makainom ng formalin habang nag-iinuman sa Mt. Sikapoo, Solsona, Ilocos Norte noong Miyerkoles.

Kinilala ang mga biktima na sina Basilio Bataan at isang hindi pa nakikila­lang kasamahan nito na isang Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) sa Apayao.

Sa inisyal na im­bestigasyon, nag-iinuman ang dalawang biktima kasama ang dalawa pa nilang kasamahan nang aksidenteng mainom ang formalin sa pag-aakalang chaser ito sa alak na kanilang tinutungga.

Sinabi ng pulis na ang formalin ay gamit nila sa kanilang panga­ngaso para ma-preserve ang mahuhuling hayop sa gubat.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy