Una sa Balita

2 bulagta sa hostage drama sa Cebu

By
0 5

Isang mag-tiyuhin  na kapwa hindi pa kilala ang mga pangalan  ang parehong nasawi kabilang ang suspek na nang hostage sa isang walong buwan sanggol na babae  sa Mandaue City, kahapon ng umaga.

Sa sketchy report nasawi sa nasabing hostage drama ang umano’y tiyuhin ng hostage taker matapos na kanya itong pagsasaksakin, makaraang tumanggi umanong ibigay nito ang kanyang apo na walong buwan sanggol na babae.

Habang namatay naman ang hostage taker matapos na mapilitang barilin ito ng mga awtoridad dahil sa pagkakabihag nito sa sanggol na babae.

Nangyari ang hostage drama sa Barangay Tabok, Mandaue City, makaraang bihagin ng suspek na pinaghihinalaang sabog sa ipinagbabawal droga ang nasabing bata.

Mabilis naman nag responde ang Mandaue PNP at nakipag-negosasyon sa nasabing hostage taker subalit tila wala umano itong naririnig.

Ang suspek na armado ng kitchen knife ay pinagsasaksak ang kanyang tiyuhin para tuluyan nitong maagaw ang apo ng biktima at gawin bihag, dahil nanganganib ang buhay ng bata kung kaya’t napilitan ang mga awtoridad na barilin ang nasabing hostage taker at nabawing ligtas ang sanggol.