Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 buhay sa Bohol kinitil ng COVID

0 124

Dalawa pa ang naitalang nasawi dahil sa COVID-19 sa Tagbiliran City, Bohol.

Ayon kay Dr. Cesar Tomas Lopez ng Bohol Inter-Agency Task Force, ang dalawang senior citizen na nasawi ay mula sa Ubay.

Nabatid kay Lopez na isang 60-anyos na ginang na may pneumonia at diabetes ang nasawi sa Don Emilio Del Valle Memorial Hospital habang isang 61-anyos na lalaki na isinugod sa parehong ospital ang idineklarang dead on arrival.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nalaman na ang dalawa ay nagpositibo sa coronavirus.

Sa kabuuan, 22 na ang death toll rate sanaturang lugar.

Umakyat na rin sa 1,085 ang kabuuang bilang ng na-virus sa Bohol kung saan 972 dito ay gumaling at 91 ang nananatiling aktibo.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.