Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 bugaw, 2 pang kasabwat sa human trafficking bagsak

0 103

Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) agents ang apat na indibiduwal dahil sa kasong human trafficking sa Olongapo City.

Kinilala ni NBI Officer-In-Charge Director Eric B. Distor, ang suspek na sina Jackylou Lastimado, Ramil Enterno, Monica Labandelo at Jesthony Telan.

Nag-ugat ang operasyon sa natanggap na intelligence report na ibinigay ng Destiny Rescue Filipinas kaugnay sa human trafficking activities ni Lastimado at Labandelo sa Olongapo at kalapit na munisipalidad.

Umaakto umanong bugaw ang dalawa at iniaalok ang mga menor de edad na karamihan ay high school at out of school youth sa mga parukyano na gustong makipagtalik.

Ikinasa ang entrapment operation kung saan nakipagtransaksiyon sa mga suspek ang mga poseur client sa iba’t ibang hotel .

Nasagip ng NBI ang 10 babae at 6 sa mga ito ay menor de edad. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.