Una sa Balita

2 bombero, 1 pulis todas sa salpukan ng bus at AUV sa Quezon

By
0 394

PATAY ang dalawang bombero at isang retiradong pulis sa salpukan ng pampasaherong bus at isang Asian Utility Vehicle (AUV) sa Maharlika highway, Brgy. Pansol, Lopez, Quezon kamakalawa nang gabi.

Kritikal naman ang isa pang sakay ng AUV habang bahagyang nasugatan ang anim na pasahero ng bus.

Kinilala ang mga nasawi na sina FO3 Ronaldo Alcala, SFO2 Cleto Segui Nataño, parehong miyembro ng Tagka­wayan BFP; at retired P/Insp. Juanoto Agon Untiveros.

Inoobserbahan pa sa ospital ang grabeng nasugatan na si Roderick Odi.

Galing umano sa Camp Vicente Lim sa Laguna ang mga biktima at nag-ayos ng kanilang promotion ang dalawang bombero samantalang nag-follow naman ng kanyang retirement pension ang dating pulis.

Batay sa imbestigasyon ng Lopez police, tinatahak ng Mitsubishi Adventure na minamaneho ni Alcala ang national highway dakong alas-9:45 ng gabi nang salpukin ito ng kasalubong na bus ng P & O Liner.

Dead on-the-spot ang tatlo samantalang mabilis na isinugod sa Magsaysay Memorial District Hospital ang mga sugatan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy