Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 ‘bomb supplier’ ng Abu Sayyaf arestado

0 78

Pinosasan ang dalawang katao na may kinalaman umano sa paggawa ng mga bomba ng grupong Abu Sayyaf­ sa Sulu.

Sa pinagsanib na puwersa ng Joint Task Force Sulu at Philippine National­ Police, naaresto noong Linggo sina Akkang Suraili Omaron ng Barangay Tulay, Jolo at Mardan Dammang Jamasali mula sa Barangay Latih, Patikul. Sila ang mga sinasabing bomb component trader sa Jolo.

SM food to go Banner Ad

Matapos ang buy-bust operation bandang alas-2:20 ng hapon, Mayo 2, nakumpiska mula sa mga suspek ang bala ng mga calibre .45 pistol at mga sangkap ng improvised explosive device gaya ng ilang blasting cap, time fuse cord, isang kilo ng hinihinalang ammonium nitrate, 81mm mortal shell, aluminum pipe at mga wire switch.

Sabi ni 15 Civil Military Operations Battalion Commander Ltc. Nelicar Corsino, sina Omaron at Jamasali ay mga kilalang supplier ng mga IED component na ginamit noong Agosto 24, 2020 sa Jolo twin blast. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.